Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa halip na pag-usapan ang public hearing hinggil
sa Revised Schedule of Base Market sa probinsya ng Aklan.
Idinulog ng ilang mga stakeholders mula sa bayan ng
Malay at isla ng Boracay ang usapin hinggil sa titulo ng mga lupa.
Bagay na binigyang pansin naman ng mga konseho ng
SP Aklan, subalit ipinaliwanag din ng mga ito sa mga stakeholders na maaaring
pag-usapan ang nasabing isyu sa ibang
pagpupulong.
Ayon kay SP Member Harry Sucgang, kailangan munang
maintindihan ng mga stakeholders at mga tax payers kung bakit nagkakaroon ng
General Revisions sa pagbabayad ng buwis at kung saan ito mapupunta bago ang
mga usapin sa agawan ng lupa.
Samantala, sinasabi na ang isla ng Boracay ay
maituturing na katangi-tangi dahil sa mga naglalakihang establisyemento at
building rito kaya’t may tinatawag na Special Base Valuation.
Nabatid base sa iminungkahi ng Provincial Assessor
sa nasabing pagpupulong na ang isla ng Boracay ay magtataas ng 90 percent
hanggang 400 percent tax due depende sa uri ng ari-arian.
Kasalukuyan pa ngayong pinag-uusapan kung
magkakaroon ulit ng public hearing para sa Malay at isla ng Boracay tungkol
dito.
No comments:
Post a Comment