Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magtitipon-tipon ang ibat-ibang concern agencies para sa
isasagawang meeting mamayang hapon kaugnay sa cruise ship arrival sa Boracay.
Ito’y kinabibilangan ng Municipal Auxiliary Police, Philippine
National Police, Philippine Cost Guard, Maritime Police, Department of Tourism,
LGU Malay at Aklan Provincial government.
Nabatid na panibagong plano ang inaasahang ihahain ng
Port Administration para lalo pang maging maganda ang pagsalubong sa mga
turistang sakay ng cruise ship.
Samantala, ang barkong Costa Atlantica ay bibisita sa
Boracay ngayong Martes sakay ang mahigit dalawang libong turista habang ang MS
Europa 2 naman ay bibisita sa pangatlong pagkakataon sa Marso a-bente.
Bagamat hindi maiwasan ang pagkukulang para sa paghahanda
sinisikap naman ngayon ng provincial government na mabigyan ng atensyon ang mga
hindi inaasahang problema.
Sa kabilang banda bibisitahin ng mga turistang sakay ng
naturang mga barko ang mga souvenir shops, long beach area, maging ang Boracay
Ati Village kabilang na ang pagkakaroon ng ibat-ibang island hopping.
Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang promotions sa
ibat-ibang bansa ng Department of Tourism sa pakikipagtulungan sa provincial
government ng Aklan, LGU Malay at Jetty Port Administration para sa isla
ng Boracay.
No comments:
Post a Comment