Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang paalala ni Father Nonoy Crisostomo ng HRP o
Holy Rosary Parish Boracay, kaugnay sa pagdiriwang ng Ash Wednesday o mas
kilala sa local dialect na Miyerkules –Badlis.
Bukas na rin kasi magsisimula ang panahon ng Kuwaresma
o Lenten Season.
Para sa lahat ng Kristiyano at mga magiging
Kristiyano, panahon ng paglilinis, pagtalikod sa kasalanan at pagtatalaga ng
sarili upang mamuhay ayon sa aral ni Kristo ang Kuwaresma.
Samantala, ayon kay Father Nonoy, isang mahalagang
araw ng fasting and abstinence ang Ash Wednesday kung saan pinapayuhan ang
lahat ng mga mananampalatayang Katoliko na umiwas muna sa pagkain ng karne, kung
maaari sa buong araw.
Higit sa lahat, ipinapaalala din ng nasabing
selebrasyon na tayo’y makasalanan at kailangang magsisi, sa pamamagitan ng
pagpapalagay o pagpapahid ng abo sa noo.
Magkaganon paman, sinabi ni Father Nonoy na maaari
namang gumawa ng charitable works katulad ng pagtulong sa kapwa, sakaling hindi
talaga napigilang kumain ng karne.
Kaugnay nito, gaganapin bukas ng alas 6:30 ang Ash
Wednesday Mass sa mismong simbahan ng HRP Boracay, habang parehong alas 7:30 ng
umaga rin ang misa sa Barangay Yapak at Manoc-manoc Chapels.
May pagkakataon namang makadalo sa misa ang mga
mananampalatayang hindi nakasimba sa umaga, sa pamamagitan ng Novena Mass sa
alas 5:00 ng hapon.
No comments:
Post a Comment