Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Nakiisa ang
Boracay Bureau of Fire Protection sa pagdiriwang ng 48th Fire Prevention Month ngayong
Marso.
Ito’y alinsunod sa
presidential Proclamation 115-A, kung saan idiniklara ang buwan ng Marso bilang
fire Prevention Month.
Dahil dito isang motorcade
ang isinigawa ng BFP kaninang umaga mula Cagban Jetty Port hanggang sa Baranggay
Yapak bilang pagsunod sa temang “Isulong ang kaunlaran, Sunog ay maiwasan,
kaalaman at pag-iingat ang kailangan”.
Kabilang naman sa
mga lumahok sa nasabing motorcade ay ang Boracay Fire aiders, Islanders,
Boracay Foundation Inc. at ilang pang grupo mula sa isla.
Dito, ipinaabot
ng mga taga BFP kung ano ang dapat gawin sa tuwing magkakaroon ng sunog at kung
paano ito maiiwasan.
Inaasahan namang
mag-iikot ang mga taga BFP sa ilang eskwelahan sa isla para mabigyan sila ng
sapat na ideya tungkol sa piligrong dulot ng sunog.
Sa ngayon mas
lalo pa umanong paiigtingin ng Boracay Bureau of Fire Protection Unit ang
kanilang pagbabantay sa siguridad lalong lalo na sa posibleng mangyaring sunog
sa Boracay.
No comments:
Post a Comment