Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit na ipinagbabawal ng Municipal Transportation
Office o MTO ang road skating sa main road ng isla ng Boracay.
Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer Cesar
Oczon Jr. ng Municipal Transportation Office, maaari umanong maharap sa
ibat-ibang penalidad ang mga nagro-road skating sa isla sakaling sila’y lumabag
sa batas trapiko.
Aniya, ito’y isang bagay na sadyang napaka delikado at
hindi dapat umano ito ginagawa sa main road dahil nakakasagabal ito para sa mga
motorista.
Bagay umano ang ganitong aktibidad sa mga lugar na hindi
dinadaanan ng mga malalaking sasakyan katulad ng subdivision, business area o
isang parke.
Bagamat walang ordinansa ang LGU Malay tungkol dito,
nagkaroon naman sila ng regulasyon kung saan nauna na nila itong naimungkahi
kay Mayor John Yap matapos ang ginawang pag-aaral.
Napag-alaman na dumarami ang mga kabataang nagro-road road
skating sa Boracay na kalimitang nagiging sagabal sa traffic.
Dagdag pa ni Oczon, hindi lamang sila nakatutok sa road
skating dahil nauna na nilang ipinagbabawal sa kalsada ang e-bike kung saan
kadalasan itong nakikisabay sa malalaking sasakyan sa kalsada.
Samantala, bubusisihin pa ngayon ng Transportation Office
ang nasabing problema sa pakikipagtulungan sa Municipal Auxiliary Police o MAP
para bigyan ng sapat na atensyon.
No comments:
Post a Comment