Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa kabila ng mahigpit na panuntunang bawal ang
pagkakaroon ng mga drag racing sa maliliit at matataong lugar.
Namamayagpag parin ang balita hinggil sa di umano’y
drag racing na nangyayari sa Brgy. Yapak Boracay.
Bagay na pinabulaanan naman ng Yapak Acting Brgy.
Captain Redentor Apolonio.
Aniya, noong mga nakaraang taon ay may mga
naririnig din umano silang mga balita na may nangyayaring drag racing sa
kanilang lugar sa dyis – oras ng gabi.
Pero, nilinaw naman nito na sa ngayon ay wala
silang natatanggap na mga reklamo hinggil sa drag racing sa lugar dahil sa hindi
na rin umano nangyayari ito.
Samantala, ang drag racing ay isang uri ng karera
gamit ang motorsiklo na kinakabitan ng mga makabagong kagamitan upang maging
matulin ang takbo nito.
No comments:
Post a Comment