Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umiiyak na humihingi ng tulong ang isang babaeng Spanish
national sa Boracay PNP station matapos mabiktima ng “riding in tandem” na
snatcher sa Boracay.
Ayon sa salaysay ng biktima na nakilala kay
Mercedes Lacasa, 23-anyos ng Madrid, Spain.
Naglalakad umano ito kasama ang dalawa pang
kaibigan galing sa isang resort papunta sa tinutuluyang hotel sa So. Bolabog,
Balabag, Boracay nang laking gulat nito na may isang hindi kilalang lalaki ang
biglang humablot ng kanyang bag.
Base sa pagkakalarawan ng biktima, nakasuot ang
suspek ng pulang jersey at agad na humarurot sakay ang isang motorsiklo na
minamaneho rin ng isa pang lalaki.
Mabilis umano ang pagpapatakbo ng nasabing
motorsiklo papunta sa direksyon ng Mt. Luho, kung saan dala-dala ang gamit ng
biktima tulad ng dalawang iPhone 5s na cellphone, credit cards at perang
nagkakahalaga ng limang libong piso.
Samantala, sa isinagawa namang follow – up
operation ng mga kapulisan, isang security guard ang nakakita sa mga suspek
kung saan nailarawan nito ang motorsiklo bilang STX na kulay pula at kasama ang
isang Wave type na motorsiklo na dumaan sa harapan ng Cohiba Resort.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang operasyon ng
Boracay PNP hinggil sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment