Ni Gloria
Villas, YES FM Boracay
Sinisimulan
na kasi ngayon ang expansion ng Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital (DCSTMH)
o mas kilala sa tawag na Boracay
Hospital.
Ayon sa
Aklan Provincial Engineer’s Office,napagplanohan na palalakihin ang nasabing
ospital at gagawing tatlong palapag kasama na ang paglalagay ng elevator para
dito.
Samantala,
ayon naman kay Mollyn Flores ng Boracay Hospital, bagamat maaantala umano at
hindi mapapadali ang pagkilos ng ilang mga empleyado sa nasabing ospital dahil
sa isinasagawang construction.
Ikinakatuwa
ng Boracay Hospital ang nasabing hakbang ng gobyerno at pagbibigay pondo ng
Department of Health (DOH) para sa pagpapagawa ng pagamutan.
Napag-alaman
na naglaan ng 40 milyon pesos ang DOH para sa nasabing construction kung saan
suportado naman ng LGU Malay.
Ayon pa
kay Flores, kung matatapos na umano ang pagpapagawa sa nasabing ospital ay
tataas na rin ang antas nito.
Ayon kasi
sa kanya, nasa primary parin ang status ng nasabing ospital kaya’t ini-rerefer
nila sa bayan ng Kalibo ang ilang mga pasyente sapagkat hindi pinapayagan ang
primary status na ospital na tumanggap ng mga seryosong kondisyon ng pasyente.
Samantala,
una na ring sinabi ng Aklan Provincial Health Office (PHO) na magiging isang
magandang hospital ang DCSTMH dahil sa
maglalagay ang DOH ng mga equipment para sa ibat-ibang operasyon ng mga
magpapagamot.
Kabilang
rin dito ang pagdadagdag ng staff para lalong mabigyang pansin ang mga
pasyenteng magpapagamot hindi lamang ng mga taga Boracay kundi maging ang mga
turista.
No comments:
Post a Comment