Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Labis ang kasiyahan ng 110 na mga mangingisda sa
11 bayan sa Aklan matapos na maipamigay na sa kanila ang mga bagong
motor boat engines.
Sa pamamagitan ng Aklan Provincial Government,
isinagawa ang turn over ceremony nitong huwebes ng Bureau of Fisheries and
Aquatic Resources (BFAR) Regional Field Office VI sa ABL Sports Complex.
Mismong si BFAR Regional Office VI, National Stock Assessment Program Project Leader Mr. May
Guanco ang namahagi ng mga motor boat engines sa mga mangingisda magmula sa 11 bayan sa probinsya.
Samantala, naniniwala naman si Provincial Governor
Joeben Miraflores na malaki ang maitutulong ng mga nasabing motor boat engines sa mga
mangingisda na makapagsimulang muli ng panibagong pamumuhay.
Matatandaan na isa ang probinsya ng Aklan sa mga
hinagupit ng bagyong Yolanda noong November 8, 2013.
No comments:
Post a Comment