Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aminado ngayon ang Land Transportation Office o LTO Aklan
na kinukulang sila sa tauhan dahilan ng pagbagal ng kanilang operasyon.
Ayon kay LTO Aklan Clerk at Examinee Roy Conte, hindi pa
umano sila makakapagdagdag ng tauhan ngayon dahil nag-aantay lang sila ng
mandadto mula sa mataas na tanggapan ng LTO.
Iginiit naman nito na karamihan lamang sa nagkakaroon ng
problema ay sa Cashier dahil sa nag-iisa lang ito.
Aniya, ang pagdagdag ng tauhan ay disesyon na nagmumula
sa kanilang Regional Office sa probinsya ng Iloilo.
Dagdag pa ni Conte napapansin umano nito na masyado ng maliit
ang kanilang tanggapan dahil sa dumarami narin ang mga kumukuha ng drivers
licensed kung saan isa umano ito sa kinokonsidera nilang problema.
Nabatid na ilang mga aplikante ang hindi maiwasang mainis
at magalit dahil sa may kabagalang transaksyon lalo na sa pagbayad.
Samantala, sinisikap naman ng LTO Kalibo, na mabigyan ng
magandang serbisyo ang kanilang mga kustumer para sa mabilis at maayos na
pamamalakad ng kanilang tanggapan.
No comments:
Post a Comment