Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang panawagan ng ilang mga stakeholders mula sa
isla ng Boracay at bayan ng Malay hinggil sa General Revision ng Schedule of
Base Market Values para sa residential, industrial at commercial lands sa
probinsya.
Sa isinagawa kasing public hearing sa Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan, nakasaad sa kalatas na ipinadala sa mga stakeholders
na dapat nasa 50 porsyento ang dapat na makibahagi sa nasabing pagpupulong,
subalit hindi ito nangyari.
Katwiran ng ilang stakeholders, mas maiging ilipat
nalang ang venue sa Malay o Boracay dahil sa maliban na makakatipid sa oras ay
mababawasan din umano ang gastos ng mga dadalo rito.
Samantala, nabatid na pag-uusapan naman ngayon ng
SP Aklan kung magkakaroon ulit ng public hearing hinggil sa Base Market Values
para sa Boracay at Malay at kung kailan gaganapin.
Ang nasabing public hearing ay itinakda sa
iba’t-ibang mga bayan sa Aklan para
kunin ang opinion at hinaing ng bawat mga tax payers para sa pagpasa ng
bagong ordinansa sa bayarin ng buwis.
Muli namang nilinaw ng SP Aklan na ang pagkakaroon
ng General Revision ay nakasaad sa batas na kada walo hanggang sampung taon ay
dapat magkaroon ng revision sa Base Market Values of Real Properties.
No comments:
Post a Comment