Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito’y matapos sinabi ni Department of Tourism
Secretary Ramon Jimenez sa kanilang pagbisita kasama ang mga taga NTWG o
National Technical Working Group sa Ati Village nitong nakaraang Biyernes ang
tungkol sa naturang plano.
Ayon kay Father Nonoy Crisostomo ng HRP o Holy
Rosary Parish Boracay Team Ministry.
Maganda ang nasabing plano dahil maipapakita sa mga
turista ang kultura ng mga katutubong Ati sa Boracay.
Sinabi pa ni Father Nonoy na bagama’t inaayos pa
ang tribal at livelihood center ng mga Ati, makakatulong din umano ito sa pang
ekomomiyang aspeto ng Ati Village.
Nagpasalamat din ito sa plano ng pamahalaan para sa
mga katutubo lalo pa’t sinabi nito na nagsimula ang ating kulturang mga
Pilipino sa kultura ng mga Ati.
Samantala, sa kabila nito, sinabi din ni Crisostomo
na kailangan paring tiyakin na mananatiling pribado ang Ati Village para din sa
seguridad ng mga Ati.
No comments:
Post a Comment