Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magiging epekto ng ASEAN Integration ang mas
mahusay na produkto, kaunlaran sa industriya, pinaangat na sistema sa
edukasyon, at ating kahusayan.
Ito ang makatwirang pahayag ni SP Member Atty.
Plaridel Morania habang isinusulong ang pagbuo ng Aklan Council for the ASEAN
Integration 2015 sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.
Aniya, kailangang mabatid ng publiko ang mga
proseso ng ASEAN Integration 2015 sapagkat sila ang makikinabang dito sa kalaunan.
Samantala, ayon pa kay Morania, ang Department of
Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng investments promotion arm nito na
Board of Investment (BOI) ay nagdaos ng isang forum kamakailan sa
pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) upang talakayin ang
K-to-12 Basic Education Program.
Ito’y isa lamang umano sa layunin ng nasabing forum
na bigyang update ang publiko at iba’t ibang stakeholders hinggil sa Industry
Development Road maps.
Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
ay magsasanib-puwersa sa susunod na taon.
No comments:
Post a Comment