Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aminado ngayon ang Land Transportation Office o LTO Aklan
na talamak parin ang mga motoristang hindi gumagamit ng helmet sa tuwing
nagmamaneho.
Ito ang mariing sinabi ng LTO Aklan dahil sa patuloy na
pagdami ng mga motoristang hindi parin sumusunod sa batas.
Napag-alaman na karamahihan sa mga motoristang hindi
nagsusuot ng helmet ay ang mga menor de-edad na sadyang napaka delikado.
Nilinaw naman ng LTO na kapag may maaaktuhan silang mga motoristang
may angkas na pasahero at walang suot na standard protective motorcycle helmet
ay maaari nila itong patawan ng multa.
Kabilang dito ang unang opinsa na 1,500 pesos, 3,000 pesos
para sa pangalawang opinsa at 5,000 pesos sa pangatlong opinsa habang 10,000 pesos
para sa pang-apat na opinsa kasamana ang pag kumpiska ng kanilang lisensya.
Sa kabilang banda, sadyang ikinabahala ng LTO Aklan ang
pagdami ng mga motorista sa isla ng Boracay kabilang na ang mga hindi gumagamit
ng helmet na maaaring ikapahamak ng mga ito sa kanilang pagmamaneho.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang paalala ng tanggapan
ng LTO sa lahat ng mga motorista sa probinsya na maging maingat sa kanilang pagmamaneho
para maiwasan ang anumang disgrasya sa kalsada.
No comments:
Post a Comment