Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaghahandaan na ngayong ng Comelec Malay ang pag-proseso
ng mga listahan ng mga botante para sa darating na baranggay at sk election sa
Oktobre.
Ayon kay Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig,
noong National election ay halos umabot sa dalawamput pitong libong botante ang
naitala nila at ngayon umano ay tumaas ng walong porsyento at umabot sa mahigit
tatlumpung libo na ang mga botante sa Malay.
Aniya, madami ang nagparehistrong botante mula sa isla ng
Boracay at karamihan dito ay mga kabataan na first time palang bomoto.
Dagdag pa ni Cahilig, ilan sa mga naging problema nila ay
ang mga under age at over age na nagparehistro, kasama na ang mga double
registered.
Samantala, pinaghahandaan na rin ngayon ng Comelec Malay
ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa darating na Oktobre a-kinse at
dise-otso ng mga tatakbong kandidato sa baranggay at Sk election ngayon taon.
No comments:
Post a Comment