Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Wala pang katiyakan sa ngayon kung ano ang magiging
desisyon ng redevelopment task force sa tatlong boat stations sa beach front ng
Boracay.
Ayon kasi kay Mabel Bacani ng Task Force Redevelopment, nasa deliberasyon pa ito ng national task force, dahil sa
ang mga nasabing istraktura ay mga pasilidad na aprobado sa ilalim ng Boracay
master Development Plan.
Ayon naman kay DOT Boracay Officer Tim Ticar, ang mga
government structures na service providers ay exempted o hindi kabilang sa mga
babaklasin dahil sa 25+5 meter easement.
Nabatid mula kay Ticar na ang mga nasabing boat stations
ay pinondohan ng Deparment Of Tourism at ibinigay sa LGU Malay.
No comments:
Post a Comment