Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Susunod sa 25+5 meter easement ang mga negosyante sa
Boracay basta pantay-pantay lang ang implementasyon.
Ayon sa pamunuan ng isang hindi na pinangalanang resort
sa station 2, pabor naman umano sila sa ipinag-utos ng National government at ng
Lokal na pamahalaan ng Malay basta sa ikakabuti naman ng isla ng Boracay.
Nakahanda narin naman umano silang magbaklas ng kanilang temporaryong
istraktura bukas, kahit maaapektuhan ang operasyon ng kanilang dinner buffet at
entertainment band.
Hahanapan na lang din umano nila ng malilipatan ang
kanilang mga tent na matatamaan ng 25+5 meter easement.
Nabatid na bukas na ang ibinigay na deadline ng task
force sa pagbaklas ng mga tent at umbrella sa front beach bilang pagsunod sa
kautusan ni Pangulong Aquino III para sa ikakabuti ng Boracay.
No comments:
Post a Comment