Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasama nito ang ilang guro at ang District Supervisor ng
Malay para saksihan ang nasabing okasyon.
Ayon kay Malay District Supervisor Jessie S. Flores, ikinagalak
nila na napili ng Ayala Foundation ang Malay para sa programang ito dahil
malaki umano itong tulong sa pag-unlad ng kakayahan ng mga mag-aaral.
Aniya ang Text2Teach program ay isang programa na
nagdadala ng educational content sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa
pamamagitan ng mga video na nai-dowload sa pamamagitan ng Short Messaging System
(SMS).
Ang misyon umano nito ay upang gumawa ng makabuluhang
kontribusyon sa kalidad ng pagtuturo at pag-aaral sa mga bata sa elementarya.
Dagdag pa ni Flores, ang bayan ng Malay lang ang
kaisa-isang bayan sa Aklan na napili para dito, kasama ang ilang probinsya sa
bansa.
Samantala, ang paglagda sa Memorandum of Agreement ay
ginanap noong Lunes sa Silay City Negros Occidental kung saan kasama ni Mayor
Yap at ni Flores ang ilang pang guro sa Malay para saksihan ang nasabing
mahalagang okasyon.
No comments:
Post a Comment