Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito umano ang pangamba ng ilang grupo ng fire dancers sa
Boracay kapag tuluyan nang ipatupad ang 25+5 meter easement sa isla.
Ayon kay Nelson ng Solara Fire Dancers, hindi lamang
bakasyon kundi entertainment ang ipinunta ng mga turista sa Boracay.
At ang isa sa mga tinatawag na main attraction sa Boracay
na kinikilala umano ng mga turista ay ang kanilang fire dancing.
Subali’t kapag nagkatotoo umano ang nakarating sa kanyang
impormasyon na pati sila ay madadamay sa wawalisin ng 25+5 meter easement.
Maaari umanong tuluyan naring mawala ang kanilang
kabuhayan.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Nelson na dapat ding magpulong
ang mga fire dancers sa isla, matapos nitong malaman na hindi na magpi-perform
ang ilan sa kanila, upang maging malinis ang dalampasigan.
Sinasabi umano kasing hazardous o nakakapinsala sa
buhangin ang kanilang aktibidad.
Matatandaan namang iginiit ni Malay SB Member Rowen Aguirre
na kailangang maipatupad ang 25+5 meter easement sa lalong madaling panahon
upang hindi maapektuhan ang industriya ng turismo sa isla.
No comments:
Post a Comment