Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng CENRO o Community Environment and Natural Resources
Office ang self demolition ng mga establisemyentong natamaan ng 25+5 meter easement
sa isla ng Boracay.
Ayon kay Delilah Maujeri ng CENRO Boracay, masaya siya sa
mga establisyementong kusang nagtanggal ng kanilang mga tent at hindi na hinintay
pa ang deadline na ibinigay ng lokal na pamahaalan ng Malay.
Magsasagawa rin umano sila ng kaukulang inspeksyon para
dito upang matingnan kung ano ang pagbabago sa front beach ng Boracay.
Nabatid din nito na magkakaroon ng opisina ang Boracay
Re-development task force sa Boracay Action Center para matutukan ang nasabing
implementasyon.
Para kung sakali man umanong magkaroon ng mga katanungan
ang mga may-ari ng establisyemento ay may pupuntahan silang tangggapan.
Dagdag, pa ni Maujeri kung sakaling tuluyan nang
matanggal ang mga illegal structures na ito ay tiyak na gaganda at aaliwalas ang
front beach sa isla.
No comments:
Post a Comment