Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Posibleng miscalculation umano ng Piloto ang tinitingnan dahilan
ngayon sa pagka aberya eroplanong Sea Air bus sa Kalibo International Airport
kaninang umaga.
Ayon naman sa pamunuan ng nasabing airport muntikan ng maaksidente
ang eroplano matapos itong sumadsad sa runway.
Napag-alaman namang nag-divert nalang sa ibang lugar ang
ilang mga flights na paparating sa nasabing paliparan gayon din ang mga flights
na papaalis.
Nauna namang ipinahayag ni Civil Aviation Authority of
the Philippines (CAAP) Kalibo Manager Engr. Percy Malonesio na masyadong
naantala ang mga biyahe ng ilang mga eroplano dahil sa nangyari.
Nagpadala naman ng imbistigahan ang Civil Aviation
Authority of the Philippines upang pangunahan ang imbestigasyon sa insidente.
Nakumpirma na umabot sa tatlumput siyam na mga pasahero
ang sakay ng eroplano na kinabibilangan ng mga Koreano, Chinese at Filipino
patungong Singapore.
Isa rin sa tinitingnang rason ngayon ng CAAP ay ang walang
tigil na buhos ng ulan rason para lumampas ang gulong nito sa dulo ng run way
at malusot sa malambot na lupa.
Samantala, tuluyan naring nai-alis ang nasabing eroplano
mula sa pagkakasadsad ng gulong nito.
Sa ngayon, patuloy naman ang pag-iinspeksyon ng pamunuan
ng CAAP sa nasabing eroplano bago payagan na makapag biyahe ulit.
No comments:
Post a Comment