Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kasi kay Malay-Boracay Red Cross Administrator Marlo
Schoenenberger, marami na namang buhay ang nailigtas ng Red Cross sa isla
nitong mga nagdaang araw.
Isa na nga rito ay ang pagkakasagip ng kanilang mga life
guard volunteer sa isang batang lalaking nalunod sa station 1 Balabag kahapon
ng umaga.
Ang mga nasabing volunteers ay kinausap din umano nito
kahapon, kung saan nakumpirma nito ang nasabing insidente.
Samantala, sa kanyang text message, sinabi din nito na
maaaring mabigyan ng rekomendasyon ang mga volunteers sa pagdating ni Red Cross
Secretary General Gwendolyn Pang sa ika labing-isa ng Sityembre para sa
kanilang chapter assembly.
No comments:
Post a Comment