Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaantay nalang ngayon ng DepEd Malay
ang launching ng text2teach project ng ayala foundation na gagawin sa isang
resort sa Boracay.
Ayon kay Public District Supervisor
Jesie S. Flores, ngayong buwan ng Septyembre ay inaasahan nilang magkakaroon na
ng launching para dito at kasama na ang training sa mga gurong nagtuturo sa
grade five at grade six.
Aniya, uunahin namang e-diliver ang
lahat ng mga equipments kabilang na ang isang pakete na naglalaman ng mobile phone, isang prepaid SIM card, at
isang 29-inch colored television.
Lahat din umanong
elementary schools sa Malay ay kabilang sa nasabing programa para mapagtibay pa
nila ang kanilang kaalaman at mapalawak ang kanilang kaisipan sa makabuluhang
bagay.
Nabatid na ang
Text2Teach ay isang programa na nagdadala ng educational content sa mga
pampublikong paaralan sa elementarya sa pamamagitan ng mga video na
nai-download sa pamamagitan ng Short Messaging System (SMS).
Dagdag pa ni
Flores, mapag-aaralan dito ang subject sa Science, Matimatika, Values Education
at iba pa.
Samantala, inaasahan
naman ang pagdating sa launching ng ilang miyembro ng Ayala foundation para
pormal na maipaabot ang nasabing proyekto para sa mga mag-aaral.
No comments:
Post a Comment