Police report by Jay-ar M. Arante
Ito umano ang isasampang kaso ng pamilya ni Gay Samindao,
ang napatay na boatman sa Sitio Tambisaan, Manoc-manoc nitong nagdaang Sabado
ng gabi, laban sa suspek na si Jeory Agustin.
Ayon kay PO1 Jover Zubiaga, imbistigador ng nasabing kaso,
pumunta kahapon sa Boracay PNP ang kapatid ng biktima upang makipag-ugnayan sa
mga otoridad tungkol dito.
Napag-alamang napatay ng suspek ang biktima dahil sa
umano’y pagtawag ng huli sa suspek na bading.
Ayon pa kay Zubiaga, Ikinagalit ni Agustin ang kanyang
narinig, dahilan upang kumuha ito ng itak at sugurin ang nakikipag-inumang biktima.
Dala ang itak, sinaksak umano nito ang biktima at
pinagtataga pa, dahilan upang magtamo ito ng dalawampu’t siyam na sugat sa
iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
Isinugod pa sa Don Ciriaco S. Tirol Sr. Memorial Hospital
ang biktima, subali’t ideklara naman
itong dead on arrival ni Dr. Florence Audrey Mamon.
Kasalukuyan namang nasa kostodiya ng Boracay PNP ang
suspek para sa karampatang disposisyon, matapos itong maaresto.
No comments:
Post a Comment