Abala ngayon ang mga establisyementong nagkaroon ng
extension sa vegetation area dito isla ng Boracay sa paglinis at pagbaklas ng
kanilang mga gamit sa huling araw na ibinigay ng Boracay Redevelopment Task
Force.
Ilan sa kapansin-pansin ay ang mga tent ,lightings,bar
tables at mga maliliit na entablado na tinanggal sa bisa ng violation letter na
ipinadala sa mga ito.
Naging maaliwas ang sitwasyon ng vegetation area at ng
buong Boracay simula kahapon ng unti-unting nagsunurang gawin ito ng mga
negosyante.
May ilan naman na ngayong araw pa lang gagawin ang
pagbaklas dahil sa inantay nila kung ano
ang mga hakbang ng ilang nakatanggap din ng kahalintulad na utos.
Ayon sa ilang establisyemento,susunod lamang ang mga ito
kung pantay-pantay ang implementasyon at walang papaboran.
Kapansin-pansin din na ang mismong Summer Place na
pagmamay-ari ni Mayor Yap ay sumunod din sa utos ng task force , bagay na ang
mga katabi nito ay wala na ring rason para hindi magbaklas.
Mahangin man dahil sa habagat pero kita sa mga mata ng
turista ang pagkagalak dahil sa nakita nila ang totoong ganda ng Boracay dahil
na rin sa kooperasyon ng mga negosyante.
Bukas naman inaasahan ang gagawing inspeksyon ng mga taga
Boracay Redevelopment Task Force kung paano sinunod ang implementasyon para sa
mga illegal temporary structures.
No comments:
Post a Comment