Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaantay nalang ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) kung kailan mauumpisahan ang pagpapagawa ng Tourist Police Training
School sa Bantud Manoc-Manoc.
Ayon kay Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural, signal
nalang din ang kanilang inaanatay mula sa mataas na tanggapan ng Philippine
National Police (PNP) para dito.
Sa ngayon isa rin umano sa mga inaantay nila ay ang pondo
para maumpisahan nang maipagawa ang nasabing paaralan.
Nilinaw naman ni P/Insp. Kennan Ruiz ng Boracay PNP, na
magiging bukas para sa lahat ng Tourist Police ang itatayong Training School sa
isla ng Boracay.
Aniya, ang mga tourist police mula sa ibat-ibang lugar sa
bansa ay maaaring magtungo rito upang matutunan ang tamang pakikisalamuha sa
mga turista.
No comments:
Post a Comment