Ni Jay-ar m. Arante, YES FM Boracay
Pabor umano ang pamahalaang probinsya ng Aklan sa
ipinatupad na 25+5 meter easement ng Boracay Re-development Task Force.
Ayon kay Aklan Provincial Administrator Atty. Shelwen
Ibarreta, magiging maganda at maaliwalas na umano sa paningin ng mga turista ang
front beach kung mawawala na ang mga illegal na straktura ng mga establisyemento
doon.
Kailangan nga kasi aniyang mag-pokos sa pagpapaganda ng
front beach dahil ito ang sentro ng isla.
Sinabi pa nito, na kung maaari ay ibalik ang puting
buhangin mula sa karagatan para mas lalong lumapad ang dalampasigan.
No comments:
Post a Comment