Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito’y may kaugnayan sa inilunsad ng DOT na dive market
development group.
Sa ginanap na consultative meeting kahapon.
Sinabi ni DOT Officer In Charge Tim Ticar na ang
Department of Tourism ay nakahandang tumulong sa mga dive shop operators sa
isla, upang ang Boracay ay maging isa sa mga dive destination sa bansa.
Samantala, ayon naman kay Dive Market Development Head
Zeny Pallugna.
Binisita ng DOT sa kauna-unahang pagkakataon ang iba’t-ibang
dive destination sa Pilipinas, kasabay ng pagbuo ng dive market development
group.
Kung saan layunin umano nito na makapag-imbita ng
maraming divers sa bansa.
Ayon umano kasi sa pag-aaral, patok sa mga turista ang
diving, dahil ito’y nakaka-relax.
Dinaluhan naman ng mahigit tatlumpung dive shop operators
sa Boracay ang nasabing pagpupulong.
http://www.tawali.com/ is a great place to dive too!
ReplyDelete