Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Laking pasasalamat ng mag-asawang Russian National
matapos makaligtas sa kapahamakan ang kanilang anak.
Narescue kasi ng mga volunteer ng Red Cross Life Guard ang
kanilang siyam na taong gulang na batang lalaki mula sa pagkalunod habang
naliligo sa station 1 Balabag.
Ayon kay Life Guard volunteer Rufino Magallamo, pasado
alas diyes kaninang umaga nang nakita nila sa di kalayuan ang biktima habang
hinihila umano ng malalakas na alon papunta sa kaliwang bahagi ng Willy’s Rock.
Nagkataon umanong nakatalikod ang mga magulang ng biktima
nang mangyari ang insidente kung kaya’t hindi nila ito napansin.
Kaagad namang nailigtas ang batang lalaki,matapos sumaklolo
sina Rufino at ang mga kasama nitong sina Ryan at Benny.
Ayon pa kay Rufino, nagkataong nagpapahinga na ang mga
ito mula sa paglangoy at pagtakbo sa beach front ng station 1 nang mangyari ang
insidente.
No comments:
Post a Comment