Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
In-extend ng Comelec ang filing ng certification of
candidacy (COC) para sa mga tatakbong kandidato sa Baranggay at Sk election sa
Oktobre.
Ayon kay Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig,
dapat tatalong araw lamang ang filing ng COC simula October 15 hanggang October
17 pero may bago umanong ipinalabas na resolution no. 9761 ang Comelec para
e-extend ito.
Una namang nagpalabas ng pahayag si Comelec Spokesman
James Jimenez, na pinapayagan ang mga kandidato na mag-file ng kanilang COCs sa
loob ng anim na araw simula October 11 hanggang October 17.
Dagdag pa ni Cahilig, pinaghahandaan na rin nila ang mga
posibleng adjustment na mangyayari at ang pagdagsa ng mga mag-papa file na
kandidato.
Gayundin, sinabi naman ni Jimenez na ang dahilan para sa
extension ay ang poll body na inaasahan nila na madaming kandidato ang mga-pa
file ng kanilang kandidatura.
No comments:
Post a Comment