Ni Bert Dalida,YES FM Boracay
Dinagdagan ngayon ng ngipin ng Department of Tourism ang implementasyon
ng 25+5 meter easement sa Boracay.
Ayon kay DOT Officer Tim Ticar, kailangang gawin nila ito
upang obligahin ang mga establisemyento ng may mga illegal structures sa
vegetation area na sumunod sa ipinag-uutos ng Redevelopment Task Force.
Matagal na rin umano itong nasa plano na ng DOT, kaugnay
na rin sa ibibigay nilang akreditasyon.
Nagbabala rin kasi si Ticar na tatanggalan nila ng DOT
Accreditation ang mga establisemyentong magmamatigas sa 25+5 meter easement.
Ibig sabihin, hindi sila isasama ng DOT sa mga promotions
and marketing, sales mission, trainings at sa mga seminars.
Magkaganon paman, umaasa din umano itong hindi na
hahantong pa sa rebokasyon ng akreditasyon ang pagiging epal ng ilang
establisemyento sa Boracay.
Sa ngayon kinumpirma naman ni Ticar na nasa limampu
hanggang animnapung porsiyento na ng mga establisemyento sa isla ang sumunod sa
mandato ng Redevelopment Task Force.
No comments:
Post a Comment