Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay Aklan Provincial Administrator Atty. Shelwen
Ibarreta, may plano na si Governor Joeben Miraflores para sa posibleng ikagaganda
pa ng nasabing palipiran.
Una na umano rito ay ang pagpapalawak ng runway, parking
area, at ang posibleng pag-iba ng rota ng kalsada mula sa airport papuntang
isla ng Boracay.
Mas mapapadali umano kasi ang biyahe ng mga turistang
pupunta sa Boracay, kung ibabahin ang rota ng kalsada.
Maliban dito, madadagdagan pa ang mga International
flights at maiiwasan ang malimit na pagka-aberya ng mga eroplano sa Kalibo
International Airport.
Sa ngayon nakikipag-usap na rin umano sila sa Department
of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapalapad ng run way at
pagpapagawa ng bagong kalsada.
Ayon pa kay Ibarreta, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaang
probinsiyal sa LGU-Kalibo, kaugnay sa mga bibilhing lupa sa katabi ng airport sakaling
matuloy na ang nasabing proyekto.
No comments:
Post a Comment