Posted October 01, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaprobahan na sa huli at ikalawag pagbasa ng Sangguniang
Bayan ng Malay ang resolusyon bilang pagkilala sa Boracay Action Group (BAG).
Sa ginanap na 29th regular session ng Malay kahapon, dito
tinalakay ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre ang
nasabing resolusyon.
Ito’y para kilalanin ang nakuhang parangal ng BAG mula sa
Philippine National Police (PNP) bilang Best Performing NGO sa isla ng Boracay.
Nabatid na ang BAG ay isang epektibong NGO sa isla dahil
sa kanilang ipinapakitang tulong at suporta sa lahat ng programa ng PNP sa
Boracay.
Matatandaan na ang Boracay Action Group ay ginawaran
bilang outstanding NGO of the Year 2013 na pinarangalan nitong taon.
Samantala, nakakuha din ng award mula sa Police Regional
Office 6 ang BAG bilang supportive NGO for the year 2013.
No comments:
Post a Comment