Posted October 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isang malaking katanungan na lang ngayon ang naiwan
kung matutuloy pa ang pagpapagawa ng bahay ng isang ginang sa Kalibo, Aklan.
Nabiktima kasi ito ng budol-budol matapos
magwithdraw ng 49 mil pesos sa isang bangko kahapon ng umaga.
Hindi na ibinigay ng Kalibo PNP ang pangalan ng 63
anyos na biktima base narin sa kanyang kahilingan.
Nguni’t base sa salaysay nito sa presento ng Kalibo
PNP, lumapit umano sa kanya ang isang babae at isang lalaki at
nakipagtransaksyon tungkol sa isang negosyo.
Samantala, nahimok umano ng mga hindi nakilalang
suspek ang biktima na itago ang kanilang 10 mil pesos na pera sa kanyang bag at
nangakong babalik.
Gulat at dismayado naman ang biktima nang
matuklasang wala na ang kanyang pera matapos itong magdesisyong tingnan ang
perang iniwan sa kanya ng mga suspek nang hindi na ang mga ito nakabalik.
Duda naman ang mga otoridad na isang switching
tactic ang ginamit sa biktima kung kaya’t hindi nito namalayang kinuha na ng
mga suspek ang kanyang pera at pinalitan ng puro papel.
Nabatid na ipapagawa pala ng bahay ang perang winidraw
ng biktima.
No comments:
Post a Comment