YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 01, 2014

2 empleyado ng isang resort sa Boracay, nagreklamo sa BTAC matapos tanggalin sa trabaho ng kanilang amo

Posted October 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang magharap sa Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan ang dalawang empleyado ng isang resort at kanilang Dutch national na amo sa Boracay.

Ito’y matapos na idulog ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang kaso sa nasabing ahensya nang magreklamo ang dalawang empleyado dahil sa pagkakatanggal umano sa kanila sa trabaho sa hindi sapat na rason.

Ayon sa blotter report ng BTAC, nag-ugat ang pagkakatanggal sa kanila matapos na magreklamo ang isa sa kanilang mga guest na nawalan ito ng 500 US Dollars.

Dulot ng insidente, nagpatawag di umano ng pagpupulong ang kanilang amo at sinasabing silang dalawa ang responsible sa pagkawala ng pera ng kanilang guest.

Samantala, iginiit naman ng dalawang empleyado na isang “illegal termination” ang ginawa sa kanila.

No comments:

Post a Comment