Posted October 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Parehong sugatan ang isang foreman at construction
helper sa Boracay matapos na magsuntukan ang mga ito sa loob ng compound sa
Manoc-Manoc Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, humingi ng
police assistance ang isa sa mga residente doon, kung saan may nangyayaring
komosyon sa loob ng compound ng Manoc-Manoc Elementary School.
Dahil sa insidente, dinala ang mga ito sa himpilan
ng Boracay PNP Station, subalit nang muling magharap ang dalawa ay nagkasundo
na sa pagitan nalang nila ayusin ang hindi pagkakaintindihan.
Nangako din umano ang mga ito sa pulis na hindi na
muling gagawa ng iskandalo sa lugar.
No comments:
Post a Comment