Posted October 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot lang sa mahigit 200 ang mga nagparehistrong
kabataan sa Comelec Malay para sa darating na SK Election sa susunod na taon.
Sa tala ng Commission on Election (Comelec) Malay,
umabot lang sa 295 ang kanilang na-record simula nang magbukas ang registration
nitong Setyembre 21 hanggang Setyembre 29, 2014.
Ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig,
kukunti lang umano ang nagparehistro ngayon dahil sa tila nawalan na umano ang
ibang kabataan ng gana matapos itong i-postpone noong nakaraang Oktobre 29,
2013.
Samantala, may nauna nang 729 na mga kabataan ang
nagparehistro sa Comelec Malay bago paman ito pansamantalang ipinagpaliban ni
Pangulong Noynoy Aquino alinsunod sa RA 10632.
Sinabi pa ni Cahilig na idadagdag umano ang 729 sa
295 kung saan ito ang magiging kabuoang bilang ng mga botante ng Malay sa
gaganaping SK Election sa Pebrero 21, 2015.
Nabatid na ang isasagawang eleksyon sa susunod na
taon ay magiging manual lamang at hindi PCOS Machine na siyang kasalukuyang
ginagamit sa National Election sa bansa.
No comments:
Post a Comment