Posted October 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kugnay ito sa mga nakalaylay na kable sa poste na
matagal nang nagiging ‘eye sore’ sa mga turista at delikado sa publiko.
Humarap sa BRTF nitong umaga ang mga engineers ng
PANTELCO o Panay Telephone Company, AKELCO o Aklan Electric Company, PCTV o
Paradise Cable Television, at Kalibo Cable upang pag-usapan ang pagsasaayos ng
kanilang mga kable.
Kinumpirma naman ng taga BRTF, na bahagi parin ng
paghahanda para sa nalalapit na APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation
hosting ng Boracay ang nasabing pagpupulong.
Magugunitang umani ng iba’t-ibang komento mula sa
mga turista sa isla ang sitwasyon ng mga kable maging ang mga posteng tila
matutumba na subali’t nakatayo parin sa gilid ng kalsada.
No comments:
Post a Comment