Posted October 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ipinakilala na ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan
Foundation, Inc. (KASAFI) ang 16 na mga naggagandahang kalahok para sa “Mutya
it Kalibo Ati-Atihan 2015”.
Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, sinala ang
16 na kalahok mula sa 35 na mga sumali para sa korona ng nasabing patimpalak.
Anya, isinagawa ang screening noong September 27 sa
KASAFI Office, kung saan pinagbasehan ang criteria na dapat Filipino citizen,
15 to 24 years old at may taas na 5’4 at Aklanon ang mga magulang.
Ipinagmalaki din ni Meñez na ang ‘Mutya it Kalibo
Ati-Atihan” ay isa na ngayon sa mga maituturing na prestihiyosong beauty event
sa Western Visayas.
Samantala, ang mananalo naman umano sa nasabing aktibidad
ay makakatanggap ng hindi lamang cash prizes kundi mga hindi birong gantimpala.
Nabatid na ang 16 na mga kandidata ay nakatakdang
rumampa sa January 9, 2015 sa Gov. Augusto B. Legaspi Sports and Cultural
Center sa Kalibo, Aklan.
No comments:
Post a Comment