YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 30, 2014

Alegasyon kontra sa Chief of Police ng Nabas hindi umano totoo ayon kay Apellido

Posted September 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi umano totoo ang kumakalat na balita kontra kay Chief Inspector Arnolito Laguerta ng Nabas PNP na ito ay may kinalaman sa operasyon ng small derby o hack fight sa Nabas.

Ito ang naging pahayag ni Senior Superintendent Iver Apellido, acting provincial police chief matapos ang isinagawang embestigasyon ng Aklan Police Provincial Office (APPO).

Nabatid na isang concerned citizen ang nagpadala ng sulat o “poison letter” sa mismong tanggapan ng APPO at nag leak sa media kung saan sangkot umano si Laguerta sa operasyon ng sabong sa Nabas.

Ayon kay Apellido wala umanong basehan ang nasabing balita na naunang naging bulong-bulungan sa kanilang tanggapan.

Sa kabilang banda hinamon naman ni Laguerta na lumantad na sa publiko ang nagpadala ng sulat para patunayan ang ibinibintang laban sa kanya.

Aniya, nasira umano ang kanyang reputasyon bilang isang Chief of Police ng Nabas sa mahigit dalawang taon at nagsilbi sa serbisyo ng 35 taon kung saan nakatakda na rin itong magretiro sa darating na 2015.

Samantala, mariin pa nitong sinabi na hindi siya nagsasabong dahil sa mahigpit itong ipinagbabawal lalo na at meron siyang katungkulan sa batas.

No comments:

Post a Comment