Posted October 3, 2014
Ni Jay-ar Arante, YES
FM Boracay
Nakatutok ngayon ang
Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa mga ibinibentang Christmas
decors ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.
Katunayan nag-uumpisa
nang mag-monitor ang nasabing ahensya sa ibat-ibang pamilihan sa probinsya para
masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at maiwasan ang dayaan.
Ayon kay DTI Aklan
Provincial Director Diosdado P. Cadena Jr., mahigpit ang kanilang pagbabantay
sa mga ibibintang palamuti lalo na pagdating sa Christmas lights.
Aniya, lahat ng
ibinibintang Christmas lights ay imported at walang gumagawa nito sa bansa kung
kaya’t bago umano ito ilabas sa isang bodega ay nakapasa na ito sa standards at
testing kasama ang paglagay ng sticker na ICC saka naman e re-release ng Bureau of Customs (BOC).
Samantala, ito umanong
ICC o Import Commodity Clearance sticker ay paniguro na pasado sa mandatory
safety tips ng DTI kaya safe at reliable gamitin.
Sinabi din nito na ang
pag-iba ng ICC sticker ng DTI ay para hindi na mapeke katulad ng mga
nagsilabasan noong mga nakaraang taon kung saan ilang mamimili ang nabiktima
dahil sa hindi magandang kalidad ng Christmas lights.
Paulit-ulit namang payo
ng DTI na sundin ang lahat ng mga palatuntunin sa pamimili at huwag
basta-bastang bumili ng mga bagay na walang kasiguridahan kahit ito’y mura dahil
maaari itong magdulot ng peligro sa buhay ng isang tao.
No comments:
Post a Comment