Posted September 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ikinabahala ngayon ng mga residente ang drag racing
o karera ng motorsiklo sa Sitio Pinaungon, Balabag tuwing madaling araw.
Maliban dito, inerereklamo din nila ang ingay na
dulot ng mga modified muffler o tambutso ng mga nagkakarera.
Ayon sa hindi na pinangalanang source, nagsisimula
ang karera at pustahan ng humigit-kumulang sampung “single” driver sa pagitan
ng ala 1:00-3:00 ng madaling araw.
Kaya naman magkahalong pagkabahala at pagkainis sa
istorbong dulot ng nasabing karera ang nararamdaman ng mga residente doon.
Samantala, iginiit din ng mga residente sa lugar na
delikado at hindi libangan ang nasabing gawain, lalo pa’t may mga angkas ang
mga nagkakarera.
Nanawagan din ang mga ito ng agarang aksyon sa mga
otoridad.
No comments:
Post a Comment