Posted October 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Batay sa pinakahuling monitoring ng Provincial
Health Office (PHO), umakyat na ito sa 47.91% o 815 na kaso ng dengue sa loob
ng tatlong buwan.
Ayon kay Disease Surveillance Officer, Gino Val
Taytayon ng PHO, pinakamalaking naitala ng kaso nito ay buwan ng Hulyo na may 290,
sinundan ng Hunyo na may 128 na kaso at 117 para sa buwan ng Agosto taong
kasalukuyan.
Batay sa naitalang record mas maraming kalalakihan
ang nagkaroon ng dengue, kung saan nailista ang nasa 429 habang 386 naman sa
mga babae.
Samantala, nangunguna naman sa mga lugar na may
pinaka-maraming kaso ng dengue virus ang bayan ng Kalibo na may 188, sinundan
ng Malay na may 111 at Banga bilang pangatlo na may 76 na kaso.
Dahil dito, muli na umanong pinayuhan ng kagawaran
ng DOH ang mga public at private hospital na magkaroon o magbukas ng Dengue
Express Lane.
Sa pamamagitan umano nito, agad mabibigyan ng
atensyong medikal ang mga may sakit na dengue.
Upang maiwasan naman ang pagkakaroon ng dengue
virus, payo ng PHO, pa-igtingin ang “Search and Destroy” program o paghahanap
ng mga pugad ng lamok at ito’y wasakin.
No comments:
Post a Comment