Posted October 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES
FM Boracay
Inaprobahan na sa huli
at ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon para sa pag
fast truck ng Boracay hospital.
Sa SB Session ng Malay
nitong Martes inaprobahan ito sa pangunguna ni SB Member at Chairman ng
Committee on Laws Rowen Aguirre matapos itong sumailalim sa ilang deliberasyon.
Aniya, isa itong paraan
para ma-aksyonan na ito ng Department of Health (DOH) upang mapabilis ang
ginagawang construction at renovation ng tatlong palapag na hospital.
Samantala, napag-alaman
na ang DOH Region 6 ang siyang may hawak ng proyektong ito kung kayat isa sila
sa pinadalhan ng sulat ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Nabatid na iniakda ni
Aguirre ang nasabing resolusyon dahil sa pagkabahala sa mga pasyente sa Boracay
na hindi kayang magpagamot sa mga pribadong klinika sa isla.
Sa ngayon tanging iisang
kwarto nalang ang pasamantalang ginagamit ng naturang hospital para sa mga
pasyente kabilang na ang emergency room dahil sa ginagawang construction at
nanganganib na matapos sa lalong madaling panahon.
No comments:
Post a Comment