Posted September 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas hinigpitan ngayon ng pamunuan ng Aklan provincial
Hospital o Tombokon Memorial Hospital ang kanilang seguridad.
Ito’y dahil kamakailan lang ay may nakapasok na isang magnanakaw
na kumuha ng ilang mahahalagang gamit ng nasabing hospital ng hindi namamalayan
ng mga nagbabantay na security guards.
Ayon sa mga security personnel, hindi umano nila mapapansin
kung ang pumapasok sa loob ay isa na palang magnanakaw dahil sa inaaakala
nilang may binabantayn itong pasyente.
Napag-alaman na lamang na may nagnakaw na pala sa loob ng
tingnan ng pamunuan ng provincial hospital ang kanilang closed circuit
television (CCTV) footage.
Dito lumantad sa kanila ang larawan ng magnanakaw ngunit
bigo ang mga otoridad na matuntun ang suspek na hanggang ngayon ay patuloy
paring pinaghahanap ng mga kapulisan at nasa wanted list na rin ng pulisya.
Samantala, ang paglabas pasok ng mga nagbabantay ng
pasyente sa loob ng hospital ay mahigpit na bibantayan ang mga security guard
ng provincial hospital.
Paalala naman ng mga otoridad sa mga bantay na maging
alerto sa lahat ng oras at maging mapagmatayag sa kanilang paligid lalo na sa
mga nasa pribadong kwarto.
No comments:
Post a Comment