Posted September 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa halip na ngayong buwan ng Setyembre ay sa
Oktubre na lamang gaganapin ang First Aid Olympics 2014 ng Red Cross Boracay-Malay
Chapter.
Ayon kasi kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy Administrator
John Patrick Moreno, ilan sa nagpalistang kalahok ay umatras sa paligsahan,
kung kaya’t hahabaan umano ng PRC ang oras sa registration para marami ang
makakasaling organisasyon at business establishment sa isla ng Boracay.
Samantala, nabatid na itatampok ng Red Cross ang
kauna-unahang First Aid Olympics bilang bahagi ng selebrasyon ng First Aid
Month ngayong buwan ng Setyembre na ipinagdiriwang sa ibat-ibang panig ng mundo.
Kasama umano sa paglalabanan dito ang first-aid na
itinuro ng Red Cross para maiuwi ang cash prize at matanghal na kauna-unahang
First Aid Olympics 2014.
No comments:
Post a Comment