Posted September 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Gumugulong na sa Sangguniang Bayan (SB) Malay ang
ordinansa para maitatag ang organisadong sistema para makontrol ang paglaganap
ng mga namamalimos sa Boracay.
Sa nakaraang 28th SB Session ng Malay
tinalakay ang nasabing ordinansa na nakapaloob sa Committee report ni SB Member
at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre.
Nabatid na kung maipapasa ito ay maaaring bigyan ng
penalidad ang mga namamalimos sa Boracay at bayan ng Malay.
Ayon naman kay Aguirre, isasailalim pa ito sa committee
hearing kung saan balak din nilang mag-imbita ng taga Human Rights at ilan pang
concern agencies para talakayin ito.
Napag-alaman na ang Mendicancy o Pamamalimos ay
nanganganak ng krimen, at nakakasama sa kalusugan ng mga mamamayan dahil sa madungis
na namamalimos at maaaring may taglay na sakit.
Nakakasira din ng dignidad ng mga taong ginagamit ng mga
sindikato sa pamamalimos kung kaya’t ginawa ng dating pangulong Ferdinand Marcos
ang batas na ito upang supilin ang talamak na pamamalimos ng mga pulubi sa
lansangan.
No comments:
Post a Comment