Posted October 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Iginiit kahapon ng mga taga EMB o Environmental
Management Bureau na isang environmentally critical area ang isla ng Boracay.
Kasabay ito ng paglilinaw kahapon tungkol sa usapin
sa CLUP o Comprehensive land Use Plan, klasipikasyon ng lupa, at tax
declaration na dapat isaalang-alang sa pag-isyu ng ECC o Environmental
Compliance Certificate.
Kaya naman sa ginanap na pagpupulog kahapon, nagkasundo
ang LGU Malay, EMB, at mga stakeholders na magtulungan at isaalang-alang ang
mga batas para sa kapaligiran.
Kasabay din ito ng mabusising pag-uusap kahapon
tungkol sa mga requirements at pag-iisyu ng ECC na ibinigay ng EMB.
Samantala, sa kabila ng pagiging environmentally
critical umano ng Boracay, masaya namang nilinaw ng EMB na malinis at
nananatiling pasado sa standard ang tubig sa isla.
No comments:
Post a Comment