YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 29, 2014

Koreanong nagreklamo laban sa kanyang kasintahan, kalaboso

Posted September 29, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Bumaligtad ang mundo para sa isang nagrereklamong Koreano sa isla ng Boracay matapos siyang ipakulong ng kanyang kasintahan.

Ayon sa police report ng Boracay PNP, naaktuhan niyang nakahubad sa kuwartong tinutuluyan sa station 2 Barangay Balabag ang kanyang kasintahan habang nakaharap sa isang tao kaninang madaling araw.

Kaagad umano niyang kinompronta ang dalawa sabay hampas ng lamesa at nagwala dahil sa sobrang galit.

Subali’t sa presento ng Boracay PNP, siya pa ang pinakulong ng babae matapos siya nitong ireklamo ng pananakit.

Ayon naman sa Boracay PNP, kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang naging reklamo sa kanya ng mismong kasintahan dahilan upang pansamantala itong ikulong.

No comments:

Post a Comment