Posted April 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang masayang sinabi ni Boracay Action Group (BAG)
Adviser/Consultant Leonard Tirol sa isinagawang joint flag raising ceremony sa
isla nitong Lunes.
May bago na kasing fire truck ang Boracay Fire
Rescue Ambulance Volunteer (BFRAV) ang BAG galing Subic Maynila.
Ayon kay Tirol, maganda ang nasabing fire truck
dahil maliit ito at nababagay sa mga barangay road sa isla.
Maliban dito, may bucket din ito sa taas na pwedeng
magrescue ng tao mula sa 2nd o 3rd floor ng nasusunog na
gusali.
Lubos naman ang pasasalamat ng LGU Malay sa
pagkakaroon ng nasabing fire truck na added asset naman ng BAG sa pagresponde
sa sunog sa isla ng Boracay.
Nabatid na nagkakahalaga ng isang milyong piso ang
nasabing fire truck.
No comments:
Post a Comment